ANTIGEN TEST PINAWALANG BISA NG IATF

Commissioner Jaime Morente-6

MULA  Nobyembre 1’aalisin ng Bureau of Immigration (BI) ang antigen test requirements sa mga Filipino na nagnanais umalis ng bansa.

Ito oy bilang pagsunod sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na alisin na ito upang maengganyo ang mga ito na lumabas sa bansa.

Ngunit ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente kailangann ay magprepara ang nagnanais lumabas ng bansa ng Covid-19 negative test results na ipakikita sa lugar o bansa na kanilang pupuntahan.

Bukod sa COVID-19 results, kinakailangan din ang round trip ticket sa mga Filipino na may hawak na tourist visa, kaakibat ang deklarasyon na kumikilala sa panganib sa pagbiyahe na ibibigay ng airline bago mag-check in.

Kasabay rin sa naging desisyon ng IATF ang mga foreign national na mayroong visa sa ilalim ng Executive Order No. 226, as amended by Republic Act No. 8756, those with 47(a)2 visas, at mga visa na inisyu ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority, ganoon din sa Subic Bay Metropolitan Authority na makapasok sa bansa.

Ayon kay Morentep ang mga tinutukoy na mga foreign nationals ang may visa sa ilalim ng EO 226, na inamyendahan ng RA 8756 ay ang mga personnel o executives na nagtratrabaho sa mga  multinational companies sa Pilipinas.

Ang mga 47(a)2 visa ay tinatawag na mga special non-immigrants , kung saan ang mga visa nito ay ipinagkaloob ng Department of Justice, habang ang sinasabing Aurora at Subic-issued visas, ito ay konektado sa mga special economic zones.

Ayon pa kay BI Port Operations Chief Atty. Candy Tan,ang departing at arriving travelers ay kinakailangang dumaan sa regular immigration inspection, at dapat magpakita ng dokumento sa pag

Samantalang required naman ang mga arriving passengers na mag-pre-booked sa mga accredited quarantine facility ng bansa , at pagdating sa airport tutuloy sa one stop shop, kung saan sasalang sa swab testing bago tumuloy sa accredited hotel ng Department of Tourism. FROI MORALLOS

Comments are closed.