(Apela ng MRT-3 sa private firms) ‘FLEXI’ TIME SA WORKERS

MRT-3-6

NANAWAGAN ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pribadong kompanya na magpatupad ng ‘flexi’ time sa kanilang mga empleyado sa sandaling payagan na ang operasyon ng mga kompanya.

 Ito ay bahagi ng paghahanda  ng MRT-3 sa pagbabalik ng kanilang operasyon sa sandaling ilagay na sa general community quarantine ang Metro Manila.

 Ayon kay MRT-3 Director Michael Capati, dalawa hanggang tatlong oras ang nakikita nilang paghihintay ng mga pasahero bago makasakay ng MRT-3.

 Aniya, nasa  51 pasahero lamang ang papayagan sa kada bagon o 153 pasahero sa kada train na 13% lamang ng kanilang kapasidad.

 Isang entrance lamang ng kada train ang bubuksan at magdedeploy ng marshals para magkontrol ng passenger traffic.

 Nakapaglagay na rin ng mga markers ang MRT-3 sa mga pipilahan ng mga pasahero.

 Sinabi ni Capati na hindi muna papayagang sumakay sa MRT-3 ang mga buntis, senior citizen at mga may edad 20 pababa.

 Hindi rin makasasakay  ang mga walang face mask at mga may temperaturang 37.8°C pataas. DWIZ 882

Comments are closed.