HANGGANG sa Setyembre 23 lamang tatanggap ng application para sa contact tracers ang mga field office ng Department of the Interior and Local Government (DILG) field offices na matatagpuan sa bawat LGU.
Kasalukuyang may 85,000 contact tracers na ang gobyerno, ngunit nangangailangan pa ng dagdag na 50,000 para maabot ang target na 135,000 o isang contact tracer kada 800 Filipino.
Sa mga taga-Metro Manila na interesadong maging contact tracer, pumunta lang sa contacttracing.ncr.dilg.gov.ph, at i-click ang “apply now” at ipasok ang mga personal information.
Ang requirements sa pagiging contact tracer ay letter of intent, personal data sheet (downloadable)N, NBI clearance at drug test result.
Nilaanan ng P5 bilyon pondo ang hiring ng libo-libong contact tracers sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2).
Prayoridad ang mga graduate ng criminology at allied medical courses pero ikokonsidera ang ibang aplikante basta’t college graduate.
Salary grade 9 o P18,784 ang sahod ng mga contact tracer na iha-hire sa ilalim ng contract of service basis at tatagal hanggang sa Disyembre. VERLIN RUIZ
Comments are closed.