LUSOT na sa Senado ang panukalang naglalayong taasan ang Teaching Supply Allowance (TSA) ng public school teachers.
Sa ilalim ng Senate Bill No. (SBN) 1964 o ang “Kabalikat ng Pagtuturo Act” na pangunahing iniakda at inisponsoran ni Senador Ramon Revilla Jr., ang TSA ay unti-unting itataas mula sa kasalukuyang P5,000 sa P7,500 para sa School Year 2023-2024, at sa P10,000 para sa School Year 2024-2025 pasulong, na libre sa buwis.
Sa pag-apruba ng Senado, sinabi ni Revilla na magagampanan na ngayon ng mga guro ang kanilang papel na hindi napapabayaan ang kanilang kapakanan.
“It is with great honor that we shepherd this meaningful legislation that will be our loudest declaration of our commitment to our teachers – that they will never be alone in this journey,” sabi ni Revilla sa kanyang manifestation.
Sa kanyang sponsorship speech noong nakaraang linggo, sinabi ni Revilla na ang public school teachers ay napipilitang gamitin ang kanilang sariling pera para bumil ng supplies para sa kanilang pagtuturo dahil ang tinatanggap lamang nila sa kasalukuyan ay P5,000 sa isang taon o P24 kada.
“The current cash allowance already includes a PHP500 allocation for medical examination. If we deduct that from the purchase of teaching materials and equipment, it will drop to PHP22 only per day. A box of chalk costs PHP68, a ream of bond paper costs PHP120, not including the internet load,” aniya.
-PNA