INAPRUBAHAN na ng Asian Development Bank (ADB) ang $100-million loan para sa pagmodernisa at pag-upgrade sa technical and vocational education training (TVET) system ng Pilipinas.
Ayon sa ADB, ang loan program ay mag-uudyok sa TVET system ng bansa na maging “higit na responsive sa bagong labor demands mula sa mga industriya at mabigyan ang mga Pinoy ng kasanayan sa hinaharap.”
Sinabi ng ADB na sa pamamagitan ng Supporting Innovation in the Philippine Technical and Vocational Education and Training System Project ay tutulong ito sa pagpapahusay sa training facilities at equipment sa 17 piling technology institutions sa buong bansa para gawin silang industry-responsive innovation centers.
Tutulong din ang ADB sa pagdisenyo ng bagong training courses, reskilling at upskilling ng trainers, at sa pagpapalakas sa institutional capacity ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
“Industries have become increasingly globalized and are now driven by technological innovations and the rising knowledge economy amid the Fourth Industrial Revolution, which in turn is creating a skills mismatch in the Philippines,” wika ni ADB senior public management economist Sameer Khatiwada.
“Automation and digitization, which have been underway even before the COVID-19 pandemic hit, are being accelerated by the pandemic shock and are raising the demand in the labor market for new expertise, such as digital and cognitive skills,” dagdag pa ni Khatidwada.
Ayon pa sa ADB, ang loan project ay susuporta sa TESDA sa pagbuo ng partnerships sa 17 selected TESDA technology institutions at industry associations, local government units, education institutions, at nongovernment organizations na aktibo sa training at curriculum, gayundin sa livelihood development.