(Aprub sa regional board) P₱33 MINIMUM WAGE HIKE SA CENTRAL VISAYAS

manggagawa

INAPRUBAHAN ng Central Visayas Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) ang minimum wage hike na ₱33 para sa mga manggagawa sa mga pribadong kompanya, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

“It provides an increase of ₱33.00, bringing the daily minimum wages in Class A to C areas to a range of ₱420.00 to ₱468.00 for non-agriculture establishments and ₱415.00 to ₱458.00 for agriculture and non-agriculture establishments with less than 10 workers,” sabi ng DOLE.

Ayon sa RTWPB, nagpapakita ito ng 7.6% hanggang 8.6% increase at inaasahang mabebenepisyuhan ang 346,946 minimum wage workers sa rehiyon.

Ang wage order ay pinagtibay noong Sept. 12, at ilalathala sa Sept. 15, at magiging epektibo sa Oct. 1.