INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas sa P110 milyong pondo para sa pagpapatupad ng Malikhaing Pinoy Program, tulad ng kahilingan ng Department of Trade and Industry (DTI) upang isulong ang Philippine creative industry.
Ang Malikhaing Pinoy Program ang inisyatiba ng DTI upang makatulong sa pagpapabuti ng economic at employment contribution ng creative industries para suportahan ang pagbangon at paglago ng ekonomiya.
“Investing in the Malikhaing Pinoy Program is a pivotal step towards helping realize President Ferdinand Marcos Jr.’s vision of a Bagong Pilipinas – a nation thriving through innovation and creativity, embodying the indomitable spirit of Filipinos,” wika ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.
“This funding will greatly help in empowering our creative industries to scale new heights and contribute significantly to our nation’s economic and cultural revival.”
Ang kabuuang budget para sa Malikhaing Pinoy Program sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) ay umabot sa P360 million, kung saan P250 million ang paunang inilabas sa pamamagitan ng SARO No. SARO-BMB-A-23-0022510 na may petsang Aug. 17, 2023.
“Therefore, the request to release the remaining P110 million balance, which is still valid for release, obligation, and disbursement until the end of the current year has been approved by DBM,” ayon sa ahensiya.
Dagdag pa ng DBM, ang pagpapalabas sa budget ay magpapatuloy at magpapalawak sa mga programa ng Philippine Creative Industries Council para sa creative industry sa mga larangan na tulad ng talent development and training, incubation and acceleration, networking and promotions, export development, intellectual property, research and development, paglikha ng creative clusters and hubs, policy advocacy, at market access.
Gayundin, ang pondo ay gagamitin upang suportahan ang iba’t ibang aktibidad na isasagawa ngayong taon tulad ng Philippines Skills Framework, Creative Startup Hackathon, Lunsod Lunsad, Creative Voucher Program Study, Creative Incubation, Global Market Acceleration Initiatives, suporta sa book publishing initiatives, FiestaKucha, Creative Industries Month, at Secretariat Services to the Council.
Ulat mula sa PNA