Standings W L
UP 3 0
DLSU 2 1
Ateneo 2 1
NU 2 1
UST 1 2
AdU 1 2
UE 1 2
FEU 0 3
Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
11 a.m. – Ateneo vs UST (Men)
1 p.m. – UP vs NU (Men)
4:30 p.m. – DLSU vs UE (Men)
6:30 p.m. – FEU vs AdU (Men)
PINANGUNAHAN ni Schonny Winston ang 83-78 panalo ng La Salle kontra Ateneo, 83-78, upang maipuwersa ang three-way tie sa ikalawang puwesto sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa harap ng 12,056 fans sa Smart Araneta Coliseum.
Tinapos ng Green Archers ang seven-game winning streak ng Eagles na nagsimula sa Game 3 ng 2017 Finals.
“It was added motivation for the guys,” wika ni La Salle coach Derrick Pumaren.
Naghahabol sa 62-67, bumanat ang Green Archers ng10-0 run, tampok ang putback ni Mike Phillips upang kunin ang five-point lead, may 3:12 ang nalalabi.
Inilayo ni Winston ang La Salle sa Ateneo sa kanyang key jumpers, kabilang ang isa kontra Dave Ildefonso, upang bigyan ang Green Archers ng 81-76 kalamangan, may 1:19 ang nalalabi.
Tinapyas ng Blue Eagles ang deficit sa 78-81 sa basket ni Kai Ballungay at may pagkakataon na ihatid ang laro sa overtime, subalit sumablay si Fourthsky Padrigao sa three-pointer.
Sinelyuhan ni Evan Nelle ang panalo ng Green Archers sa pagsalpak ng dalawang free throws mula sa foul ni Ballungay sa huling pitong segundo.
Tumapos si Winston na may 25 points, 6 rebounds, 5 assists at 2 steals habang nagdagdag si Nelle ng 10 points, 3 assists, 3 boards at 2 steals para sa La Salle.
“They really worked hard and prepared for Ateneo. Even though we were down, we were able to regroup in the second quarter,” sabi ni Pumaren.
Nauna rito, tumipa sina Kean Baclaan at John Lloyd Clemente ng tig-16 points nang gapiin ng National University ang University of Santo Tomas, 69-63.
Umangat ang Bulldogs sa 2-1 kasama ang Green Archers at Blue Eagles, habang nalasap ng Growling Tigers ang ikalawang sunod na kabiguan.
Iskor:
Unang laro:
NU (69) — Baclaan 16, Clemente 16, Omar 8, Malonzo 8, Figueroa 7, Padrones 4, Yu 3, Minerva 3, Mahinay 2, Manansala 2, Palacielo 0, Galinato 0, Tibayan 0.
UST (63) — Faye 20, Cabañero 16, Pangilinan 9, Garing 8, Manaytay 3, Calimag 3, Laure 2, Lazarte 2, Mantua 0, Duremdes 0, Herrera 0.
QS: 16-14, 35-23, 57-42, 69-63
Ikalawang laro:
DLSU (83) — Winston 25, Nelle 10, Cortez 8, Quiambao 7, Abadam 7, M. Phillips 6, Austria 6, B. Phillips 6, Estacio 5, Nwankwo 3, Nonoy 0, Manuel 0.
Ateneo (78) — Kouame 22, Ballungay 19, Andrade 8, Ildefonso 7, Padrigao 7, Gomez 5, Lazaro 4, Garcia 3, Chiu 2, Koon 1, Daves 0, Quitevis 0.
QS: 18-28, 46-47, 64-62, 83-78.