ARCI MUÑOZ AYAW MAGING BIKTIMA NI GERALD

DAHIL kasagsagan pa rin ang isyu tungkol kay Gerald Anderson at sa kanyang The point‘ghosting’, u­sap-usapan ang muling paglutang ng nahalungkat na video ng netizens tungkol sa interview kay  Arci Muñoz tungkol sa actor.

Katunayan, bentang-benta ito sa social media.

Sa nasabing video na mula sa GGV, natanong kasi si Arci ni Vice Ganda kung may posibilidad mag-fall siya kay Gerald.

Walang kagatol-gatol namang sinabi ng actress na: “Hindi ako mabibiktima!”

Sa isa namang pana­yam, nilinaw ni Arci ang ibig sabihin ng kanyang naging pahayag.

Sey niya: “Joke ko lang ‘yon kasi never ko talagang naisip na mag-jojowa ako ng artista. ‘Pag nakikita ko silang lahat, para ko silang brothers. Hindi nga ako aware kasi wala naman ako Twitter, so parang nagta-tag sila sa ‘kin ng Instagram.”

Sina Arci at Gerald ay minsang nagkatambal noon sa pelikulang Can We Still Be Friends?

Si Arci ay happy ang lovelife sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Anthony Ng.

JINKEE PACQUIAO SUPPORTIVE SA KANYANG TWIN SISTER

UMANI ng positibong reaksiyon sa netizens ang pagiging supportive ni Jinkee JINKEE PACQUIAOPacquiao sa kanyang kakambal na si Janet Jamora.

Spotted ang isang OOTD snap ni Janet at kitang-kita sa salamin na ang kumukuha ng larawan ay walang iba kundi si Jinkee.

‘Di lang cute tingnan ang magkapatid sa kanilang mga twinning at OOTD goals pero pati na rin sa suporta na ibinibigay nila sa isa’t isa.

Sa lara­wan, ma­kikitang namamasyal ang gorgeous twins na sobrang close sa isa’t isa. Marami ang natuwa at mayroon din namang nainggit sa kanilang  bonding na magkapatid.

Sey ng netizens:” Very supportive si Ms. Jinkee sa kambal niya… siya pa mismo nag-picture… nakakatuwa tong kambal na to.” “Supportive sister there! Hehe” “Supportive naman si Mam Jinkee…That’s love!” “Supporting photographer @jinkeepacquiao” “Sosyal ng photographer mo! hehe”

‘Di rin nagpahuli si Jinkee sa kanyang fabulous OOTD snap para sa lakad na ito nila ni Janet at iba pang mga kapatid nila.

Si Jinkee na isang fashionista na ngayon ay nagtrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala ang Pambansang Kamao na  si Manny Pacquiao. Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at mayroon silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Comments are closed.