ARJO ATAYDE TINAWAG NA MATANDANG ALDEN NG FANS NI MAINE

Arjo Atayde-2

TINAWAG na matandang Alden Richards si Arjo Atayde ng bitter na fans ni Maine Mendoza dahil hindi hotshotsnila nagustuhan ang closeness nina Arjo at Meng.

Ito ay matapos na i-upload ni Meng sa kanyang social media account ang larawan niya na kuha sa Bali Indonesia na kung saan wala naman siyang sinabi kundi  “keep swinging” lang ang caption niya habang nasa swing.

Makailang beses na kasi nakita na nagde-date sina Meng at Arjo. Mas lalong tumibay ang hinala ng diehard fans nina Meng at Alden na may namamagitan na nga ngayon kina Meng at Arjo nang makita ang sensational TV host/actress sa Bali kung saan nga nag-celebrate ng kaarawan si Arjo kasama ang kanyang buong pamilya.

Inakusahan tuloy si Meng na baka rebound girl lang ni Arjo dahil kamakailan lang nakipag-split ang actor sa girlfriend nito na si Sammie Rimando na member ng GirlTrends ng It`s Showtime.

Nagsimula ang closeness nina Meng at Arjo nang magsama sa pelikula nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin na Puliscredibles na isa sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa Dis­yembre.

Kung totoo man na nagkakamabutihan o may namamagitan na kina Arjo at Meng ay wala kaming nakikitang masama dahil kapwa naman single ang dalawa.

May karapatan sila kung sino ang gusto nilang maging ka-partner in life at hindi ‘yung kung sino ang idikta sa kanila na ma­ging ka-partner in life.

HEART EVANGELISTA PARANG SI AUDREY HEPBURN

NAGMISTULANG Aubrey Hepburn of the Philippines si Heart Evangelista sa bago niyang hairstyle na kung saan naka-full bangs ang actress sa kanyang latest photo shoot para sa clothing line na malapit nang i-release.

Marami tu­loy ang na­engganyo na gayahin aheart evangelistang hairstyle ngayon ni Heart dahil isang style icon na nga ang actress. Mapano­nood nga sa Instagram story ni Heart na siya mismo ang gumugupit ng bangs niya.

Dahil sa new look na fresh at modern ay bumagay kay Heart ang kanyang bagong hitsura.

Samantala, nakipag-collaborate si Heart sa Kamiseta para maisakatuparan  ang kanyang design, ang mga images at paintings ng actress.

“A full collection of the clothing line I designed with @kamisetaph featuring my art will be released very soon. Stay tuned!” post ni Heart sa IG.

Noong ginanap ang New York Fashion Week ay na-test run na niya ang kanyang fashion line na kung saan sinuot niya ang kanyang mga designed skirts habang dumadalo siya sa ilang fashion shows sa NYC.

“It`s the most surreal feeling to wear your own work! This is coming very soon,” caption pa ni Heart sa post niya sa IG.

LORD OF SCENTS JOEL CRUZ MAY BAGONG BABY

MAY bago na namang baby ang Lord of Scents na si Joel Cruz. Isang baby ang madadagdag sa kanyang pitong anak at sa Russia rin ito isinilang tulad ng iba niyang anak.

Last November 6, dumating ang baby ni Joel at kaagad nga ipinost ito ng Lord of the Scent sa kanyang Instagram.

joel cruz

Wednesday ng hapon (Nov. 7) dumating si Sir Joel ga­ling Japan na kung saan isinama ang lahat ng kanyang anak at ma-suwerte rin isinama ang mga yaya ng bata sa bakasyon.

Gusto kasi ni Sir Joel ng maraming anak kaya hangga`t bata pa raw siya ay gagawa siya at sa laki nga na-man ng bahay ng Lord of the Scent sa Sampaloc Manila ay mas masaya kung marami sila.

Comments are closed.