(Asahan na – ERC)TAAS-SINGIL SA KORYENTE SA SUMMER

KORYENTE-4

ASAHAN na ang pagtaas sa singil sa koryente sa summer months, ayon sa Energy Regulatory Commission(ERC).

Sa isang forum, sinabi ni ERC Chairperson and CEO Monalisa Dimalanta na sa kasaysayan, ang electricity rates ay tumataas tuwing tag-init.

“Historically kapag summer months, tumataas ‘yung demand and yet ‘yung supply lumiliit,” aniya.

Ayon sa ERC executive, ang water level ay maaaring nasa pinakamababang lebel nito sa mga buwan ng Marso hanggang Mayo, at magkakaroon ito ng epekto saN hydropower.

Dahil dito, ang power generation companies ay aasa sa mas mahal na sources, tulad ng coal at gas.

Nagbabala rin ang National Grid Corp. of the Philippines sa pagnipis ng suplay ng koryente sa summer, tinukoy ang pagtaya ng Department of Energy na inaasahan ang total peak demand na 13,125 megawatts (MW) para sa Luzon grid hanggang sa katapusan ng Mayo.

Para sa Visayas at Mindanao grids, ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,691MW at 2,395MW, ayon sa pagkakasunod.