MAGIGING sentro ng talakayan sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, Hulyo 12, ang nalalapit na kampanya ng bansa sa ASEAN Para Games.
Dadalo sa session sina multi-medalists Para swimmer Ernie Gawilan at Para athletics coach Joel Deriada upang talakayin ang tsansa ng mga Pinoy sa July 23-July 30 multi-sports meet na gaganapin sa Sukaranta, Indonesia.
Magsisimula ang public sports program sa alas-10:30 ng umaga
Ang weekly Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Committee, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PACGOR).
Ang Forum ay ila-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na ibabahagi rin ito sa kanilang official Facebook page.