ASUKAL ‘DI DAPAT MAGMAHAL

SUGAR

HINDI dapat sumirit ang retail prices ng asukal dahil sa mataas na imbentaryo nito, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sinabi ng SRA na ang anumang pagtaas sa presyo ng asukal ay kagagawan ng mga negosyante na nais manipulahin ang merkado.

“There is no reason for sugar prices to go up since sugar stock balance is at an all-time high of over 1.152 million metric tons (MMT) as of end-March. The volume is 143 percent over last year’s stock balance of 800,587.75 MT, SRA data showed,” wika ni . SRA Administrator Hermenegildo R. Serafica

Ipinaliwanag pa ni Serafica na ang mill-gate prices ng sugar ay nasa P1,450 per 50-kilogram bag (LKg) hanggang P1,550 per LKg sa nakalipas na limang buwan.

Ayon kay Serafica, ang pagtaas ng stocks ay dahil sa mas malaking output na sinamahan ng unused imported sugar,  na nananatiling nasa mahigit 133,500 MT.

“There have been very little withdrawals in the mills such that all of their warehouses are full and most of them are already preparing additional spaces for storage. Some have rented additional warehouses while some have repurposed their other buildings such as basketball courts to hold sugar,” aniya.

“Those who are spreading rumors of sugar prices increasing are trying to manipulate the market so they can increase their profits at the expense of the consumers and producers,” dagdag pa niya.

Ang sugar output ng bansa hanggang mid-March ay lumobo ng 14.48 percent year-on-year sa 1.662 million metric tons (MMT), ayon sa pinakabagong datos mula sa SRA.

Sa SRA data na nalathala noong April 1, ang raw sugar output sa current crop year (CY) 2018-2019 ay nasa 211,000 MT na laban sa 1.45 MMT na naitala sa kaparehong panahon sa naunang crop year.

Lumilitaw rin sa datos ng SRA na ang mas mataas na output ay maaaring sanhi ng mas marami at mas magandang kalidad ng sugarcane o tubo na prinoseso para maging asukal mula September 1 hanggang March 17.

“During the reference period, sugarcanes milled reached 17.732 million MT, higher than the previous year’s 16.836 MMT,” ayon pa sa SRA.

Gayundin, ang sugar-milling recovery rate hanggang March 17 ay tumaas ng  8 percent sa 1.89 50-kilogram bags per ton cane (LKg/TC), mula sa 1.75 LKG/TC noong nakaraang taon.

Ang total raw sugar demand hanggang March 17 ay bumaba naman ng  17.70 percent sa 1.002 MMT, mula sa 1.218 MMT noong nakaraang taon.

Ang domestic withdrawals ay bumaba naman ng 2.49 percent sa 967,188 MT mula sa 991,920 MT na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2018.

Samantala, ang refined sugar output ay tumaas ng 3.46 percent sa 28,048.66 MT mula sa 27,110.21 MMT.

Ang millsite prices ng raw sugar ay bumaba naman ng 4.72 percent sa 1,451.31 per LKG mula sa 1,523.16 per LKG noong nakaraang taon. JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Comments are closed.