ATE SHAWIE HINDI NAKILALA NG TANDERS

Kataka-takang hindi nakilala ng isang 87-years old si Megastar Sharon Cuneta nang makatabi niya ito sa isang long-haul flight patungong Los Angeles, California.

May Dear Heart concert kasi sila ng ex-husband na si Gabby Concepcion na nagsimula na noong Oktubre 26, 2024 (U.S. time), Susundan ito ng show nila sa Saban Theatre, Beverly Hills, California sa Oktubre 27; The Meeting House sa Oakville, Canada, sa Nobyembre 2; at sa The Venue Thunder Valley Casino Resort sa Lincoln, Canada, sa November 15. Magtatanghal din sina Gabby at Sharon sa Las Vegas at Hawaii.

Kuwento ni Sharon, nakatabi niya si Dr. Lilia Luna sa upuan. Nagpakilala raw sila sa isa’t isa ngunit basta Sharon lamang ang pakilala niya. Lagi raw namang ganoon ang kanyang pakilala tuwing may makakatabi siya.

Sabi pa raw ni Sharon sa duktora, “Ma’am, if I may help you with anything po, please just let me know.'” Pinalaki raw kasi siya ng kanyang mga magulang na magalang sa lahat ng tao lalo na sa matatanda. Lagi raw niyang naiisip na baka bumangon sa hukay ang kanyang Mom & Dad at batukan siya kung magiging bastos siya o isnabera.

Pero basta raw nagkatabi lang sila at bahagyang nagkwentuhan, kumain ng sabay, at natulog na magkatabi.

Wala na raw sana iyon pero nag-post ang kamag-anak ni duktora. Sa public post, sinabi nitong ‘You know, I have to apologize to you! I didn’t know I was seated beside the ‘great’ (her word not mine!) Sharon Cuneta!

Hindi rin naman umano iniisip ni Sharon na makikilala siya ni duktora dahil bukod sa wala siyang make-up, hindi rin siya nagpakilala bilang celebrity.

“Nagpakilala lang akong Sharon, at hindi ko sinabi kung ano ang trabaho ko,” sabi niya. “Hindi ko rin naman inaasahang makikilala niya ako.”

“People come from everywhere all across the world and many, even fellow Filipinos, have never heard of me or other Pinoy Celebrities,” dagdag pa ni Ate Shawie.

“When I woke up, Dra. wasn’t in her seat When she walked back, she greeted me with a cheerful ‘Good Morning!’

Pero natuwa raw talaga siya kay Dr. Luna dahil kahit 87 na ito ay napaka-sharp, strong, and beautiful pa rin nito. Sana nga raw, kung aabot pa siya sa ganoong edad ay ganoon din siya.

Si Dra. Lilia Luna ay professor sa FEU at sikat na OB-Gyne specialist. Naikwento raw nito sa kanyang anak na napakagalang at napakabait ng nakatabi niya sa eroplano. Idineskrayb pa raw nito ang seatmate na tall mestiza.

Nang magising raw si Dr. Luna, humingi siya ng snack sa stewardess at sa galley na lang raw siya kakain ‘para di ma­gising yung katabi ko.’

Sabi raw ng flight attendant: “Ma’m, kilala niyo po ba kung sino yung katabi nyo?”

Sinabi raw ni Dr. Luna na hindi dahil hindi siya gaanong nanonood ng TV o nanonood ng movies. Sinabi raw ng FA na frequent passenger nila si Sharon.

Nang magising ang seatmate ni Dr. Luna, nagkwentuhan pa sila dahil mahaba nga ang biyahe. Kwento pa ng anak ng duktora, hiniram pa raw ng Megastar ang cellphone ng seatmate para makapag-selfie sila. Nang bumaba sila sa airport, tinulungan pa raw ni Shawie ang matandang magtulak ng maleta dahil may magdadala na raw ng walo niyang suitcases. Nag-selfie sila uli at saka naghiwalay. Sobrang nabaitan daw talaga ang duktora sa kanyang seatmate, ayon pa sa post.

Good job, Shawie!

RLVN