Standings: Ateneo 16 pts., FEU 15, UST 14, UP 13, DLSU 13, NU 10, AdU 8, UE 8.
Mga laro ngayon:
(FEU-Diliman)
9 a.m. – NU vs FEU (Men)
1:30 p.m. – UE vs UST (Men)
3:30 p.m. – DLSU vs Ateneo (Men)
MAGHAHARAP ang nangungunang Ateneo at ang mahigpit na katunggaling De La Salle sa UAAP Season 81 men’s football tournament ngayon sa FEU-Diliman pitch.
Umaasa ang Blue Eagles na maigaganti ang 1-2 pagkatalo sa Green Archers sa pagwawakas ng first round sa larong nakatakda sa alas-3:30 ng hapon.
Sa iba pang laro ay magsasagupa ang Far Eastern University at National University sa alas-9 ng umaga, habang magsasalpukan ang University of Santo Tomas at University of the East sa ala-1:30 ng hapon.
Makaraang matalo sa De La Salle, ang Ateneo ay bumanat ng goalscoring spree na may 11 sa huling dalawang laro upang kunin ang top spot na may 16 points.
Sinisikap naman ng Archers na makapasok sa top four. Ang De La Salle ay tabla sa defending champion University of the Philippines sa fourth spot na may 13 points, subalit ang Taft-based squad ay may inferior goal difference.
Pagbibidahan ni Jarvey Gayoso, nangunguna sa lahat ng goalscorers na may pito, ang pananalasa ng Eagles. Nagtagumpay ang De La Salle sa pagsawata kay Gayoso sa kanilang unang paghaharap ng Ateneo.
Samantala, naisuko ng Tamaraws ang liderato sa Eagles kasunod ng 0-1 pagkatalo sa Growling Tigers noong Linggo.
Pumapangalawa ang FEU na may 15 points, isang puntos ang angat sa third-place UST.
May 10 at 8 points, ayon sa pagkakasunod, ang Bulldogs at Red Warriors ay hindi na maaaring matalo upang mapanatiling buhay ang kanilang pag-asa sa ‘Final Four’.
Comments are closed.