KINAPOS ang Cignal-Ateneo ng isang puntos upang mapantayan ang record para sa pinakamalaking margin of victory sa PBA D-League nang tambakan ang McDavid, 106-31, kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao.
Pinangunahan ni Ivorian center Ange Kouame ang pananalasa ng Blue Eagles sa pagkamada ng double-double 16 points at 14 rebounds kung saan nanalo sila ng apat na sunod.
Nag-ambag si Thirdy Ravena ng 16 points at 3 rebounds, habang tumipa si Mike Nieto ng 11 points at 3 boards. Nanatili ang Cignal-Ateneo sa ibabaw ng Aspirants Group na may 6-1 kartada.
Ang 75-point winning margin ng Blue Eagles ay tumabla sa second biggest sa kasaysayan ng liga, at ang 31-point output ng McDavid ang pinaka-mababa sa liga.
Samantala, pinaglaruan ng Centro Escolar University ang Marinerong Pilipino, 93-76, at nanatiling walang talo.
Pinangunahan ni Senegalese center Maodo Malick Diouf ang pagkalas ng Scorpions sa pagtala ng 10 sa kanyang 22 points sa fourth quarter. Nagpakawala ang CEU ng 32 points sa final frame upang tambakan ang kalaban at mapalawig ang kanilang unbeaten start sa anim na laro.
Nagdagdag si Diouf ng 19 rebounds, 3 assists, at 3 steals sa panalo kung saan nanatili ang CEU, may 6-0 kartada, sa ibabaw ng Foundation Group.
Nakalikom si Keanu Caballero ng 17 points, 6 assists, 3 rebounds, at 2 steals, habang nag-ambag sina Tyron Chan ng 15 points, 7 rebounds at 6 as-sists, at Judel Fuentes ng 14 points para sa Scorpions.
“We just got to be ready for every situation. Marinero was able to catch up and get the lead, but we’re able to regroup, kept our poise, and played de-fense. That’s what has been keeping us to where we are,” wika ni coach Derrick Pumaren.
Bumagsak ang Marinerong Pilipino sa 3-3.
Iskor:
CIGNAL-ATENEO (106) – Kouame 16, Ravena 16, Mi. Nieto 11, Berjay 9, Go 8, Daves 8, Credo 8, Ma. Nieto 6, Tio 6, Navarro 6, Mamuyac 4, Wong 3, Andrade 3, Belangel 2.
MCDAVID (31) – Monte 11, Diputado 6, Gaco 6, Lozada 3, Sorela 3, Melano 2, Canada 0, Escosio 0, Colina 0.
QS: 31-5, 57-15, 90-28, 106-31
CEU (93) – Diouf 22, Ke. Caballero 17, Chan 15, Fuentes 14, Lisbo 11, Abastillas 6, Formento 4, Uri 3, Rojas 1, Diaz 0, David 0.
MARINERONG PILIPINO (76) – Asistio 17, Montalbo 16, Santillan 11, Victoria 8, Reyes 8, Apreku 6, M. Aquino 3, Bunag 3, Garcia 2, Boni-facio 2, A. Aquino 0, Wamar 0, Gamboa 0, Mendoza 0.
QS: 23-20, 40-34, 58-57, 93-76
Comments are closed.