MAGIGING sentro ng talakayan ang athletics at volleyball sa pagbisita ni Philip Ella Juico sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum ngayong Martes.
Tatalakayin ni Juico ang dalawang sports na pinakamalapit sa kanyang puso sa 10 a.m. weekly session.
Ang dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman ay kasalukuyang presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at chairman ng Philippine Super Liga.
Si Juico ay kumakandidato rin para sa 1st vice presidency sa nalalapit na Philippine Olympic Committee (POC) election sa ilalim ng ticket ni presidential candidate Clint Aranas.
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.
Comments are closed.