AUSTRALIAN MARKET TARGET NG PH, BPO INDUSTRY IBIBIDA

DTI-6

TARGET ng Department of Trade and Industry (DTI) na ibida ang business process outsourcing industry ng bansa sa Australia sa pamamagitan ng isang webinar ngayong linggo.

Ayon sa DTI, magsasagawa ang Export Marketing Bureau nito at ang  Philippine Trade and Investment Center sa Sydney ng webinar+ sa September 25, 2020, ala-1:30 ng hapon sa Filipinas, at alas-3:30 sa Australia.

Nakatuon ang webinar sa kakayahan ng Philippine IT-business process management industry na maghatid ng serbisyo sa global clients, partikular sa Australian market.

Tatampukan din ito ng mga inisyatibo sa pagpapanatili ng katatagan at kahandaan ng industriya para sa negosyo sa gitna ng pandemya.

Ayon pa sa DTI, isusulong nito ang  IT services na kinabibilangan ng finance and accounting, software development, engineering services, at creative services.

Inaasahang magsasalita sa webinar ang mga opisyal mula sa Philippine IT-BPO industry.

Comments are closed.