AWAY SA SABON MISIS NAG-SUICIDE, MISTER TULALA

Suicide

SA TINDI ng  kalungkutan, winakasan ng isang ginang ang nararanasan nilang kahirapan matapos na mag away sila ng kanyang mister ng dahil lamang sa sabong pampaligo sa ulat ng pulisya kahapon sa Isla bantayan, lalawigan ng Cebu.

Gamit ang isang lubid, binigti umano ng 27 anyos na si  Teresita Despe ang sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Abaya, Brgy. Kangkaibe, sa isla ng Bantayan.

Tulala at halos hindi makausap ng mga imbestigador ang mister ng biktima matapos niyang matunghayan na nakabitin ang kanyang asawa at hindi na humihinga.

Ayon kay M/Sgt Raymund Pepito, imbestigador ng Bantayan Police Station, mismong ang mister ang tumawag sa kanilang himpilan at ipinagbigay ang pagpapakamatay ng kanyang misis ng dahil lamang umano sa sabon.

Lumitaw umano sa pagsisiyasat na  inutusan ni alyas Nonoy ang kanyang asawa na umutang ng sabon sa tindahan malapit sa kanilang bahay ngunit nang umuwi ito na walang dalang sabon ay nagkaroon na umano sila ng matinding pagtatalo.

Salaysay ng lalaki, nakatulog umano siya sa kanilang kuwarto kasama ang kanilang batang anak.

Laking panghihilakbot umano ng lalaki nang magisnan nito ang asawa sa may hagdanan na naka bigti at may tali ang leeg. VERLIN RUIZ

Comments are closed.