(Ayon sa DTI) UKRAINE-RUSSIA CRISIS MINIMAL ANG EPEKTO SA PH TRADE

Ramon Lopez

NAPAKALIIT lamang ang posibleng maging epekto sa kalakalan ng Pilipinas ng kasalukuyang krisis sa pagitan ng Ukraine at ng Russia, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI)

“Having it studied, offhand, (has) less direct impact given our small trade with Ukraine, only around USD200 million,” wika ni DTI Sec. Ramon Lopez.

Ayon kay Lopez, sa kabila ng krisis ay walang nagbago sa kalakalan sa Russia, na 10 beses ang laki sa kalakalan ng bansa sa Ukraine.

Sinabi ni Lopez na ang top merchandise trade sa Ukraine at Russia ay kinabibilangan ng wheat, oil, iron and steel, electronics, at agricultural products.

“But its disruption in the prices and supply chain of oil and key commodities like wheat, iron ore, and the high degree of uncertainties if such (a) crisis worsens are the factors that can impact global recovery efforts,” dagdag ng DTI chief.

Dahil sa tensiyon sa Ukraine-Russia borders ay sumirit ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil ang mga border na ito ang channels para sa Russian oil trade sa Europa.

Pinangangambahan din ng mga eksperto na ang nagpapatuloy na tensiyon ay magtutulak sa mas mataas na inflation dahil sa tumataas na presyo ng petrolyo. PNA