(Ayon sa SWS survey) 30% NG PINOYS LUMALA ANG KALIDAD NG BUHAY

NASA 30 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang survey ay isinagawa mula  September 28 hanggang October 1, 2023,

Lumitaw rin sa survey na 28% ng mga Pinoy ang nagsabing bumuti ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 41% ang walang pagbabago.

Ayon sa SWS, nagresulta ito sa net gainers score na  -2, na klinasipika bilang  “fair.” Mas mababa rin ito ng 13 points sa  “very high” score na +11 noong June 2023, at itinuturing na pinakamababa magmula nang maitala ang  -2 noong June 2022.

“The Net Gainer score was generally negative until 2015, when it rose to positive numbers until the drastic deterioration beginning with the Covid-19 pandemic lockdowns. It has since trended back upwards but has not fully recovered to pre-pandemic levels,” ayon sa SWS.

Ang 13-point decline sa nationwide net gainer score mula June 2023 hanggang September 2023 ay dahil sa pagbaba sa lahat ng lugar.

Kumpara noong June 2023, ang net gainers ay bumaba mula   “very high” sa  “fair” sa Metro Manila, bumaba ng 27 points mula +18 sa  -9.

Bumaba rin ito mula “very high” sa “high” sa Balance Luzon mula  +13 sa +3.

Samantala, sa Visayas ay bumaba ito mula “very high” sa “fair” mula +10 sa -7, habang ang Mindanao ay nagtala rin ng pagbaba mula “high” sa “fair” mula +2 sa -4.