TATLUMPU’T tatlong porsiyento ng adult Filipinos ang naniniwalang gumanda ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa resulta ng non-commissioned survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan.
Lumabas din sa survey na isinagawa mula June 28 hanggang July 1, 2023 na 45% ng adult Filipinos ang nagsabing walang pagbabago sa kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na taon habang 22% ang naniniwalang lumala ito.
Nagresula ito sa net gainer score na 11% na “very high,” ayon sa SWS. Mas mataas din ito ng 6 points kumpara sa 5% noong March 2023 subalit mas mababa sa pre-pandemic level na 18% noong December 2019.
Tinawag ng SWS na “gainers” ang mga nagsabing bumuti ang kanilang buhay, habang “losers” ang mga naniwalang lumala ang kanilang buhay.
Ayon pa sa SWS, ang net gainers sa non-hungry families ay tumaas sa 13% mula 5% noong March 2023, ngunit ang net gainers sa overall hungry families, moderately hungry families at severely hungry families ay pawang bumaba.
“Net gainers in overall hungry families fell from 1% to -8%. Likewise, net gainers among moderate hungry families were down to -8% from 4% in March 2023,” dagdag pa nito.
Samantala, ang net gainers mula sa severely hungry families ay bumagsak sa -18% mula -6% noong March 2023.
Ang bilang ng net gainers ay pinakamataas sa Metro Manila, na umabot sa 16%, mula sa 2% lamang noong March 2023.
Nasa 13% naman ang net gainers sa Balance Luzon, bahagyang tumaas mula sa 12% noong Marso. Tumaas din ang net gainers sa Visayas sa 24% mula -14% noong March 2023, habang bumaba ang net gainers sa Mindanao sa 2% mula 6% noong Marso.