PAPAGITNA ang Filipino players sa B.League All-Star festivities sa susunod na taon.
Makakasagupa ng Asian imports ng liga ang rising stars ng B.League sa January 14, sa B.League Asia Rising Star Game.
Gaganapin ang All-Star weekend sa Okinawa Arena sa Okinawa, Japan.
Magsasagawa rin ang liga ng slam dunk contest, skills challenge, at three-point contest sa January 14.
Ang main event ay sa January 15 kung saan idaraos ng liga ang All-Star Game, gayundin ang Under-18 All-Star Game.
Sa Asia Rising Star Game ay mapapalaban ang 14 Asian imports sa B.League rookies. Sa kasalukuyan ay may anim na Pinoy sa B.League’s Division 1 na kinuha bilang imports — Kobe Paras (Niigata Albirex), Javi Gomez de Liano (Ibaraki Robots), Dwight Ramos (Toyoma Grouses), Thirdy Ravena (San-En NeoPhoenix), Kiefer Ravena (Shiga Lakestars), at Bobby Ray Parks Jr. (Nagoya Diamond Dolphins).
Si Matthew Aquino ay itinuturing na local para sa Shinshu Brave Warriors.
Dalawa pang Pinoy — Kemark Carino (Aomori Wat’s) at Juan Gomez de Liano (Earthfriends Tokyo Z) — ang naglalaro sa second division ng B.League.
Maaari ring maglaro ang Asian imports sa All-Star Game, kung saan papayagan ang fans na bumoto para sa kanilang paboritong players sa B.League website at sa B.League app simula sa November 8.