Kinumpirma ni Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General William Gonzales na kagagawan ng dalawang suicide bomber ang magkasunod na pagsabog sa Jolo Sulu kahapon.
Natukoy sa CCTV footage na ang unang pagsabog sa harap ng Paradise Food Shop ay makikitang nagkalasog lasog ang katawan ng suicide bomber.
Kaya malinaw na hindi inilagay sa motorsiklo ang bomba at saka pinasabog malapit sa military truck.
Ang pangalawang pagsabog ay una nang kinumpirma ng militar na kagagawan suicide bomber dahil may mga nakakitang babaeng nakasuot ng burka ang lumapit sa isang sundalo at bigla itong sumabog.
Kinumpirma rin ni Philippine Army Chief Lt Gen Cirilito Sobejana na parehong babae ang suicide bomber na una nang minamanmanan ng militar.
Ang isa ay Indonesian national na biyuda ni Norman Lasuca, ang kauna-unahang Filipino suicide bomber na pinasabog ang sarili sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu noong June 2019.
Habang inaalam pa ang nationality ng isa pang salarin.
Umaabot na ngayon sa anim na sibilyan ang namatay, 7 sundalo at isang pulis na sa kabuuan ay 16 kasama ang dalawang suicide bomber. REA SARMIENTO
Comments are closed.