ANG PANANAKIT ng likod ay maaaring tumama kahit kanino, bata man o matanda, babae man o lalaki. Wala itong pinipili at maaaring magdulot ng hindi pagpasok sa trabaho at makasagabal sa ating pang-araw-araw na gawain. Mainam na malaman ang mga sakit na maaaring magdulot ng back pain.
Ang pananakit ng likod at ang mga sintomas nito ay maaring makapagbigay ng clue kung ano ang dahilan nit. Ang parte ng ating likod ay hindi lamang binubuo ng muscles at mga buto.
Ang mga importanteng vital organs ay matatagpuan din sa parte ng ating likuran. Ang sakit na ating nararamdaman ay maaaring direct cause ng pa-mamaga ng ilan sa organs na napapaloob ditto. Maaari ring isang sanhi ng “Referred Pain” na ang ibig sabihin ito ay manifestation ng pamamaga o sakit na hindi mismo matatagpuan sa likod ngunit dahil sa connection sa ating nerves ang sakit ay nararamdaman sa ating likod.
Ilan sa sakit na maaaring magdulot ng pananakit ng likod ay ang mga sumusunod:
- Arthritis- Ang sakit na ito ay common sa mga matatanda at matataba. Dahil sa edad ay nawawala ang tibay ng buto at ang spinal fluid na nagsisil-bing lubricant at shock absorber ng ating spinal column. Kapag hindi ito naagapan ay maaaring magdulot ng pagnipis ng space ng ating spinal vertebra na tinatawag na “Spinal Stenosis”, na siya ring maaaring magdulot ng nerve compression na ang sintomas ay irregular na pag-ihi at pagdumi. At minsan ay pangangalay ng ating hita, depende kung anong level o parte ng spinal column ang apektado.
- Muscular strain- Ito ay dulot ng pagbubuhat ng mabibigat na mga bagay na may kasamang awkward positioning ng ating likod.
- Scoliosis- Ito ay maaring dulot ng disproportionate at paulit-ulit na pagbibigay ng load o bigat sa isang parte ng ating balikat.
- Osteoporosis – Ang sakit na ito ay karaniwan sa mga matatanda at nagiging sanhi ng pagrupok ng ating spine na puwede ring maging sanhi ng compression fracture.
- Ruptured disk- Ang ating spinal column ay sinusuportahan ng tinatawag na spinal disk. Kapag ito ay na-rupture sa pamamagitan ng trauma or con-tinuous na pressure load, maaaring magdulot ng nerve compression na siya namang nagiging sanhi ng urinary bladder problem at bowel movement problem dahil sa connection ng nerves sa urinary bladder at ating mga bituka para mapagalaw ang mga ito ng maayos.
- Kidney stone at kidney problems- Dahil sa location ng ating kidney, ang ilan sa mga sakit dito tulad ng kidney stones ay maaaring magdulot ng pananakit ng likod. Ito ay karaniwang may kasamang pag-ihi ng dugo at paglipat ng sakit sa ating pantog lalo na kung ang kidney stone ay bumababa at sumasama sa ating ihi.
Ang pananakit ng likod ay maaaring sanhi ng isang simpleng sakit at nagagamot sa pamamagitan ng pag-inom lang ng analgesic. Ngunit minsan, ka-pag ito ay dahil sa malalang sakit, kailangang patingnan nang magamot o maagapan.
Kung may katanungan, maaari pong mag-email sa [email protected] o i-like ang fanpage na medicus et legem sa facebook.
Comments are closed.