SA pagdiriwang ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa kanilang ika-449 anibersaryo ngayong araw, Hunyo 24, ay isinapubliko na ang kanilang bagong official logo na sumisimbolo sa mayamang kultura ng lungsod at kung saan halaw ang pangalan ng kapitolyo ng Filipinas.
Ang bagong logo ng Mayila ay dinisenyo ni Carlo Asoro, graphic artist mula sa Manila Public Information Office.
Tampok sa bagong logo ang Manila Clock Tower, na iconic parts ng Manila City Hall na unang na-unveil noon pang 1930 at itinuturing na isa sa pamosong landmark ng Philippine’s capital. Kasama rin sa bagong logo ang Nilad plants, ang halamang may mahahabang sanga na may bulaklak na kulay puti at dilaw na pinagmulan ng salitang “Maynila”, masangang halaman na may bulaklak, Manila Paper na yari sa abaca na produkto ng Filipinas at habang isinulat gamit ang Harrient Font na tila sumasang-ayon sa inisyatibo ng #BagongMaynila kung saan layunin ng pamahalaang lungsod na mapanatili ang classic style at historic serif typeface nito.
Una nang idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ngayon sa Maynila sa ilalim ng Proclamation No. 696 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
COVID-19 FRONTLINERS BIDA
Bida naman ang mga COVID-19 frontliner ngayong ika-449 anibersaryo ng Araw Ng Maynila alinsunod sa inilatag na agenda ni Manila Mayor Isko Moreno na kilalanin ang katapangan at dedikasyon ng mga healthcare worker sa gitna ng global coronavirus pandemic.
Ikinasa ng pamahalaang lokal ng Maynila, sa pangunguna ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM), ang mga programa at mga aktibidad para ngayong araw.
Ayon kay DTCAM Director Charlie Duñgo, magiging tampok sa pagdiriwang ang pagkilala sa kabayanihan ng mga frontliner.
Karamihan sa programa ay idaraos online, partikular ang tribute sa mga frontliner na gaganapin alas-6:30 ng gabi.
Pangungunahan ni Domagoso ang wreath-laying ceremonies sa Rajah Sulayman Park bandang alas- 8:00 ng umaga at sa San Agustin Church dakong alas-8:30 ng umaga.
Tiniyak ng DTCAM na mahigpit nilang ipatutupad ang mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force hinggil sa physical distancing at limitadong bilang ng mga bisita para sa mga programang tulad ng pag-aalay ng bulaklak at iba pang medical and health protocols para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.
Tututok din ang alkalde sa public health sector, kung saan gaganapin ang groundbreaking para sa “Bagong Ospital ng Maynila” na susundan ng Zoom meeting with healthcare frontliners bandang alas-10:30 ng umaga. May dagdag na ulat ni VERLIN RUIZ
Comments are closed.