CAMP AGUINALDO – TINANGGAP ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bahagi ng P200-million halaga ng donasyong medical equipment at iba pang supplies para sa mga frontliners sa giyera laban sa coronavirus disease 2019 pandemic.
Ang pag-aangkat ay naisakatuparan sa tulong ng local Filipino-Chinese community, isang private company, at isang private individual na ayaw magpabanggit ng pangalan.
Nabatid na mismong mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) sakay ng PAF C-130 cargo plane ang ginamit sa paghakot ng mga medical equipment at medical supplies.
Kabilang sa donasyon ang life-saving equipment and supplies, ang dalawang yunit ng Automated Nucleic Acid Extraction System machines; apat na PCR machines; 30,000 RT-PCR diagnostic kits; 25,010 medical protective suits; 292,300 face masks; 60,000 medical gloves; 5,064 medical goggles; 5,000 face shields; at 1000 pairs of medical protective shoe covers na pawang binili sa Sansure Biotech, ayon sa donor.
Samantala, inihayag naman kahapon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious diseases ang inilabas ng IATF na resolusyon na aatas sa Department of Health (DOH) ng koordinasyon sa Department of Transportation (DOTr) at Department of National Defense (DND) para matiyak ang mabilis na paghahatid ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) mula sa mga suppliers o donors sa National Task Force (NTF) COVID-19 Task Group on Resource Management and Logistics.
Ang DOH ay makikipag-ugnayan sa DOTr at DND upang mapabilis ng pag-deliver ng PPEs mula sa suppliers o donors hanggang matanggap ng ating mga frontliner. VERLIN RUIZ
Comments are closed.