BAKBAKAN NA SA PVL

Mga laro ngayon:
(Santa Rosa Multipurpose Sports Complex)
2:30 p.m. – PLDT vs Army
5:30 p.m. – Akari vs Cignal

MAGSASAGUPA ang PLDT Home Fibr at ang United Auctioneers-Army, habang susubukan ng Cignal ang lakas ng baguhang Akari sa pagsisimula ng Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayon sa Santa Rosa Multipurpose Sports Complex.

Makalipas ang tatlong taon ay magbabalik ang mga import para magbigay sigla sa torneo, kung saan target ng Creamline na makumpleto ang season sweep ng championships.

Ipaparada ng High Speed Hitters si Elena Savkina-Samoilenko, ang 6-foot-4 outside spiker mula sa Russia at huling naglaro para sa Mersin B.Sehir Bld sa Turkey.

Palalakasin naman ang Lady Troopers ni Laura Condotta, ang 5-foot-11 outside hitter na kinatawan ang Canada sa local at international beach volleyball tournaments.

Maghaharap ang PLDT at Army sa alas-2:30 ng hapon.

Gagabayan ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito, sisikapin ng Chargers na agad na magkaroon ng impact sa kanilang maiden foray sa pro league sa likod ni Prisilla Rivera, ang 6-foot-1 outside spiker mula sa Dominican Republic na isa ring three-time Olympian.

Determinadong makabawi mula sa back-to-back heartaches, kinuha ng HD Spikers si Tai Bierria, ang 6-foot-1 opposite spiker mula sa United States, na naglaro para sa Memphis University at New Mexico University bago lumipad sa Finland para sa kanyang international career.

Maghaharap ang Akari at Cignal take sa alas-5:30 ng hapon.