BAKUNADO, NAGKA-COVID PUWEDENG MAG-DONATE NG DUGO

NILINAW ng Department of Health (DOH) na maaaring mag-donate ng dugo ang mga taong nabakunahan, kabilang na ang mga nagpositibo sa Covid-19.

Ito ay matapos kumalat ang maling impormasyon sa online platforms na nagsasabing hindi na makakapag-donate ng dugo ang mga nabakunahan.