BIBIDA si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa 40th edition ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports na gaganapin sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Tatalakayin ni Mitra ang nalalapit na Philippine Professional Sports Summit na gagawin sa unang pagkakataon sa bansa sa Set. 24-25 sa Philippine International Convention Center.
Ito ang pangatlong pagdalo ni Mitra sa weeky public service program na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, at Community Basketball Association.
Bibisita rin sa 10 a.m. session si triathlon champion Marie Claire Adorna na tatalakayin ang kanyang kampanya sa World Beach Games sa Doha, Qatar at Asian Cup sa Jordan sa susunod na buwan at sa Southeast Asian Games sa Nobyembre.
Nakilala ang 29-year-old na si Adorna nang parangalan siya bilang 2013 National Swimmer of the Year at hiranging 2014 Triathlete of the Year.
Humablot din si Adorna ng gold sa 2015 SEA Games sa Singapore at silver sa 2017 edition sa Kuala Lumpur.
Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ang lahat ng officers at members ng TOPS, pati mga kaibigan sa sports community na dumalo sa session na ipinalalabas ng live sa Facebook.
vvv
Handa na si Jerrick Balanza ng Letran Knights na lumahok sa PBA Annual Draft sa Disyembre. Si Balanza ay dumanas ng matinding pagsubok noong nakaraang taon bago sumapit ang kanyang kaarawan noong Set. 6 makaraang matuklasang mayroon siyang brain tumor.
Ayon kay Jerrick, nawalan siya ng pandinig kaya agad siyang nagpa-check up. Buong akala ng Marketing student ng Letran ay katapusan na niya. Sa tulong at awa ng Diyos ay nagkaroon siya ng pagkakataong muling mabuhay. Kaya nang bigyan siya ng ‘go signal’ ng kanyang doctor ay ‘di na siya nag-akasaya ng panahon. Nagpakondisiyon siya agad upang makabalik siya paglalaro. Bread winner si Balanza sa kanyang pamilya kaya nais niyang makatulong, gayundin sa kanyang asawa at dalawang anak.
Ngayon ay nakatuon ang puso’t isipan ni Jerrick sa Letran para matulungan niya itong makarating sa championship bago niya ito iwan at umakyat sa pro. Good luck!
Comments are closed.