SA TINDI ng pinsalang idinulot ng COVID-19 pandemic, muling binalasa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang mga key official ng ahensiya upang higit na mapataas ang koleksiyon sa buwis, alinsunod sa direktiba ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III.
Dalawang BIR assistant regional directors ang sinibak sa puwesto at inilagay sa ‘freezing capacity’ sa hindi binanggit na kadahilanan, habang dalawang revenue district officers naman ang na-promote at itinalaga sa bago nilang posisyon, ayon sa Revenue Travel Assignment Order No. 65-2021 na pirmado nina Secretary Dominguez at BIR chief Dulay.
Sa nasabing kautusan, inalis sa puwesto sina Bacolod City Assistant Regional Director Dolores Baygan at LaQueMar Assistant Regional Director Analynsia Alarde. Si Baygan ay itinalagang technical asistant sa Office of the Bacolod City Regional Director, habang si Alarde ay inilagay sa Core Group Expert Project Management and Implementation Service bilang technical assistant.
Na-promote naman bilang kahalili ng dalawang opisyal sina Taguig-Pateros Revenue District Officer Rey Anthony Geli bilang bagong LaQueMar BIR Assistant Regional Director at Quezon City Regional Investigation Division Chief Francis Tabaquin bilang bagong BIR Bacolod City assistant regional director.
Sa isa pang hiwalay na travel assignment order number 66-2021, itinalaga bilang mga bagong RDO (Revenue District Officer) sina Renato Mina (Taguig-Pateros), Renato Ruiz (Pasay City), Antonio Ilagan (South, Quezon City), Arnulfo Galapia (North, Quezon City), Rufo Ranario (East Makati City), Stimson Cureg (Valenzuela City), Jesica Bernales (Iligan, Isabela), Rosemarie Gimpi-son (Asst. RDO, Marikina City), Fidel Caliwan (Asst. RDO, East Makati City) at Amalia De Leon (Asst. RDO, West Bulacan).
Sinabi ni Commissioner Dulay na patuloy ang isinasagawa nilang ‘rigodon’ o pagbalasa sa mga key official ng BIR para mapaigting pa ang tax collections.
Kamakailan ay inilabas ng DOF statistics records ang ranking sa tax collections ng mga regional director sa Metro Manila mga at karatig-probinsya at ilan sa top performer collectors ay sina Makati City-B Regional Director Glen Geraldino; Makati City-A Regional Director Maridur Rosario; Manila City Regional Director Jethro Sabariaga; QC-B Regional Director Romulo Aguila Jr.; QC-A Regional Director Albin Galanza; Caloocan City Regional Director Gerry Dumayas; San Fernando, Pampanga Regional Director Ed Tolentino; LaQueMar Regional Director Ric Espiritu; at CaBaMiRo Regional Director Dante Aninag.
Kamakailan ay muling binanggit ni Presidente Duterte na pagtutuunan niya ng pansin ang hindi masugpong graft and corruptions sa gobyerno, maging sa level ng local government units (LGUs) na aniya’y talamak at kailangan nang gamitan ng ‘kamay na bakal’ para tuluyang masugpo.
Samantala, nabanggit ng isang tax expert professor sa isang kilalang uunibersidad ang ‘benchmark taxation doctrine’ na umano’y pinakamainam na paraan para matugunan ng Duterte administration ang pagpapalakas ng taxation sa bansa.
Sa naturang ‘benchmarking method,’ anang professor, hindi makakalasap ng shortfall sa tax collections ang BIR, maging ang Bureau of Customs (BOC), kung maipatutupad lamang ito nang tama at walang bahid ng katiwalian.
Ang BIR-BOC ang tanging inaasahan ng gobyernong tutugon sa pagpuno sa lahat ng programa at proyekto nito, kabilang ang mga imprastruktura at pangkalusugan tulad ng COVID-19 response.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].
Comments are closed.