BALIK-ENSAYO NG PBA TEAMS NAUNSIYAMI

Willie Marcial

NANANATILING kumpiyansa si PBA commissioner Willie Marcial na makababalik pa sa paglalaro ang liga ngayong taon sa kabila na ibinalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na quarantine protocols.

Inanunsiyo ni Presidente Rodrigo Duterte noong Linggo ng gabi ang pagsasailalim sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan – Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan – sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Agosto 14 hanggang Agosto 18 dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19.

Dahil dito ay maaantala ang pagbabalik ng PBA teams sa ensayo. Naunang sinabi ni Marcial na plano nilang ipagpatuloy ang pagbabalik ng non-scrimmage training sa Agosto 12.

“We have no recourse but to adjust the schedule of our activities. The supposed swab testing of the players at the Makati Med on Aug. 6-7 will be pushed back,” sabi ni Marcial.

Patuloy na makikipag-ugnayan si Marcial sa ospital kaugnay sa kung kailan maaaring i-accommodate ang PBA teams.

Sa kabila ng mga kaganapan ay naniniwala si Marcial na posible pa rin na maisalba ang season.

Natigil ang lahat ng aktibidad ng PBA noong Marso dahil sa COVID-19 outbreak. CLYDE MARIANO

Comments are closed.