BANGKAY NAKILALA SA TATTOO

bangkay

BOHOL – NAKILALA na ang lalaking natagpuang walang buhay noong Biyernes sa  gilid ng kalsada sa Balilihan.

Ayon kay Police Captain John Lynbert Yango, hepe ng Balilihan Police, ang biktima ay si Regino Laudiana Jr., 24-anyos.

Ayon kay Yango, nalaman nila ang pangalan ng biktima dahil sa naka-tattoo ito sa likod ni Laudiana.

Mayroong tama ng bala sa ulo ang bangkay ng biktima.

Base naman sa tala ng pulisya, suspek si Laudiana sa pagnanakaw ng isang sasakyan noong Mayo 19.

Sangkot din ito sa isang kaso ng pagnanakaw sa bayan ng Trinidad noong 2013 at naaresto sa pagdadala ng droga’t baril noong 2014.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung bakit pinaslang si Laudiana. PILIPINO Mirror Reportorial Team