Bangus (milkfish) ang pambansang isda ng Pilipinas. Madali itong palakihin kahit sa maliit na lugar kaya marami ang nagpapalaki nito sa mga palaisdaan, kaya lahat ng araw sa buong taon ay may bangus sa palengke.
Ang bangus (Chanos chanos) ang kaisa-isang nabubuhay na species sa Chanidae family.
Hindi masyadong kilala ang bangus sa labas ng Pilipinas, at unofficially, ito ang “pambansang isda fish.”
Ang bangus ay may maputi at flaky na laman na napakalambot kapag naluto. Pwede itong pasingawan, sinigang, pinangat, ihaw, prito, relyeno at kung anu-ano pang luto at halos kakulay ng gatas. Dahil dito, tinawag ang bangus na milkfish sa English.
Sa mga maimbentong kusinero, niluluto ito sa iba’t ibang paraan, ngunit ang paborito ko ay sinigang. Mas masarap pa ito sa sinigang na baboy.
Sa gabi nagpaparami ang bangus. Inilalabas ng mga sabalo (inahing bangus) ang napisa nilang itlog malapit sa tabing dagat, na kinukuha naman ng nagsisipag-alaga ng bangus sa palaisdaan. Ang tawag sa kanila ay fingerlings. Sa palaisdaan sila pinalalaki hanggang sa panahong maibebenta na sila. – SHANIA KATRINA MARTIN