BANTA NI DIGONG: MARAMI PANG MASISIBAK

duterte

PATULOY na umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng katiwalian sa pamahalaan na isumbong sa kanya o ‘di kaya’y dumulog sa Malakanyang.

Kasunod  ito ng pahayag ng Pangulo  na marami pang opisyal ng gobyerno ang kaniyang sisibakin sa puwesto sa mga susunod na Linggo.

Ayon sa Pangulo, ilan sa mga sisibakin nito sa puwesto ay ang mga opisyal na may ability to convert dahil sa ginagawa nilang  pagpapahirap sa publiko lalong lalo na sa pagpoproseso ng mga dokumento.

Matatawag aniyang katiwalian kung ang isang opisyal  ng pamahalaan ay pinababalik-balik sa kaniyang tanggapan ng publiko para lamang ayusin ang kanilang mga hinihinging dokumento sa gobyerno.

Pinakahuli sa  mga sinibak ng Pangulo ay si  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balu-tan, dahil sa sinasabing seryosong alegasyon ng korupsiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo na magsilbi sanang aral sa iba pang gov-ernment officials at employees ang pagkakasibak sa mga opisyal,  na nagpapatunay na walang sasantuhin ang administrasyon. MAY DAGDAG NA ULAT ANG DWIZ882

Comments are closed.