MINALIIT ng Malacañang ang pahayag ni Communist Party of the Philippines-New People’s Army Founding Chairman Joma Sison na dapat ay palakasin pa ng mga rebelde ang hakbang upang mapatalsik ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na hindi na alam ni Sison ang reyalidad sa bansa dahil napakalayo nito at matagal na itong wala.
Maituturing umano itong failed rebellion dahil wala namang naging magandang bunga ang 50 taong rebelyon at ang mga taong dapat na kanilang ipinagtatanggol ang nagiging biktima nito.
Binigyang diin pa ni Panelo na puno ng ilusyon ang mga banta ni Joma at panahon na para ito ay maliwanagan.
Sa kabila nito ay pinababantayan pa rin ni Panelo ang mga NPA na gumagawa ng pagsalakay.
Comments are closed.