MASAYA raw si Baron Geisler na hindi nasaksihan ng kanyang estranged daughter ang kapangitan ng ugali niya noong panahong lulong pa siya sa bisyo at hindi pa nagbabago. Ngayong sa tingin niya ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging mas mabuting tao, handa na umano siyang makipag-reconcile sa kanyang anak, at ipakilala ito sa publiko.
Noong may bisyo pa umano siya, tinatanaw lamang niya ang anak sa malayo ngunit hindi siya nagpapakilala dahil nahihiya siya dito na hindi siya naging mabuting ama.
Sa ngayon umano ay nagtatawagan sila at nagti-text ng anak na dalaga sa ibang babae, at mukhang maayos naman ang kanilang relasyon. Sana nga ay magtuluy-tuloy na ito.
Na-miss raw niya ang paglaki ng kanyang daughter kaya naibuhos niya ang lahat ng kanyang pagmamahal sa kanyang anak na si Joaquin na nasa Cebu ngayon at nag-aaral ng Medicine. Ito umano ang nabigyan niya ng maraming yakap at halik mula pa noong maliit.
Mas close daw siya kay Javi dahil nag-a-I love you siya dito at sinasagit naman siya ng ‘I love you too, daddy.'” Pero sinisiguro raw nilang mag-asawa na hindi left-out si Joaquin at dinadalaw pa nila ito sa Cebu basta may panahon.
Sa wakas, kasal na si Baron kay Jamie Marie Evangelista noon lamang September 12, 2019 at welcome naman dito ang iba pa niyang mga anak sa previous relationships.
Mas maingat raw siya sa pakikitungo sa kanyang estranged daughter dahil hindi ito lumaki sa kanya. Kumbaga, nililigawan pa niya ito at hinuhuli ang loob para mapalapit din. Marami raw siyang utang dito dahil bata pa ito ng huli niyang makita, at pagkatapos ngayon, dalaga na pala.
Para sa kanyang mga anak, pipilitin daw niyang magbago ng totoo. Hindi na siya maghuhubad sa pelikula, at sana rin, hindi na siya iinom ng alak.
May love scenes daw sila bi Christine Reyes. Sa pelikulang Doll House ni direktor Maria Ancheta, pero walang skin exposure. Matagal na rin umano siyang hindi tumitikim ng alak, ngunit hindi pa rin niya masasabing naitapon na niya ang bisyong ito. Alam niyangh hindi ito mabuti sa kanyang pagkatao kaya pinipilit niyang iwasan ang alak kahit pa social drinking lamang.
Sa ngayon, araw-araw pa rin umano niyang pinaglalabanan ang pag-iwas sa alak, kaya alam niyang hindi pa siya nakaka-get-over sa bisyo. Nagpapasalamat lamang talaga siya sa Diyos na hangga ngayon ay kinakaya niyang paglabanan ang tawag ng bisyo.
Umaasa siyangh sa mga darating na araw ay magtatagumpay siyang makakawala ng husto sa alak, at nagpapasalamat siya sa showbiz industry na patuloy siyang binibigyan ng pagkakataong makabawi kahit paulit-ulit na siyang nadadaopa. NLVN