BASILAN KAMPEON SA MPBL

KLASIKO ang pagtatapos ng makasaysayang Chooks-to-Go Maharlika Pilipinas Basketball League.

Naisalpak ni Philip Manalang ang three-pointer sa buzzer para sandigan ang Basilan-Jumbo Plastic Medical Depot sa makapigil-hiningang 83-80 panalo laban sa Nueva Ecija sa overtime at tanghaling kauna-unahang kampeon sa Invitational meet ng MPBL bilang isang professional league nitong Huwebes sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bukod sa kampeonato sa liga na may basbas ng Games and Amusements Board (GAB) at itinataguyod ng Chooks-to-Go at TM, nagkakahalaga ng P2 milyon ang three-pointer ng dating pambato ng University of the East, na itinanghal ding Finals MVP.

Tunay na espesyal ang tira ni Manalang na 0-of-8 sa three-point area bago ang krusyal na sandali,  may 1.9 segundo ang nalalabi at tabla ang iskor sa 80-all.

“For me, the win tonight is God-given,” pahayag ni Basilan head coach Jerson Cabiltes, kauna-unahang winning coach sa pro-era ng MPBL at itinangahl ding ‘Ato Badolato Coach of the Tournament’.

“So, talagang gusto naming makuha ‘to dahil ‘yun nga, nine months ago we were in this situation and hindi kami napagbigyan and then ito pala ‘yung balik na biyaya sa amin ng Panginoon,” aniya.

Nakuha ng Rice Vanguars ang bentahe sa 74-73 matapos ang three-pointer ni Byron Villarias, may 26 segundo sa regulation. Nakakuha ng foul si Michael Juico at naisalpak ang isang free throw para sa overtime.

Hataw sina Encho Serrano, Juico, Jay Collado at Jonathan Uyloan sa naiskor na tig-15 puntos, habang kumana si JR Taganas ng 17 rebounds at siyam na puntos.

Nanguna si tournament MVP Michael Mabulac sa Nueva Ecija sa natipang 24 puntos at 11 rebounds, habang nagtala si Justin Gutang ng 13 puntos at tumipa si Villarias ng 10 puntos.

Ginapi naman ng Pasig-Sta. Lucia ang Imus-Buracai de Laiya, 100-80, para sa ikatlong puwesto.EDWIN ROLLON

Iskor:

(Finals)

Basilan-Jumbo Medical (83) – Collado 15, Serrano 15, Uyloan 15, Juico 15, Taganas 9, Reyes 6, Bringas 4, Manalang 3, Siruma 1, Gimpayan 0, Gabo 0.

Nueva Ecija (80) – Mabulac 24, Gutang 13, Palma 11, Villarias 10, Balucanag 5, Sarao 4, Gozum 4, Bitoon 3, Dario 3, Sumang 3.

QS: 17-20, 35-36, 53-52, 74-74, 83-80.

(Ikatlong puwesto)

Pasig-Sta. Lucia (100) – Apinan 16, Teng 14, Bautista 12, Costelo 12, Lingganay 9, Arana 8, Caralipio 8, Mina 6, Ablaza 6, Chan 6, Yu 3, Pena 0.

Imus-Buracai de Laiya (80) – Bragais 23, Reyson 14, Melencio 10, Eguilos 10, Tan 6, Llagas 6, Mangalino 6, Medalla 3, Mescalado 2, Go 0, Fuentes 0.

QS: 23-19, 53-41, 77-56, 100-80.