RIZAL-INIHAYAG ni Taytay Mayor Joric Gacula na maaaring magbukas na ang negosyo ang mga sari-sari store at Talipapa sa kanilang lugar basta mahigpit umanong ipatutupad nila ang social distancing upang maiwasan ang magkakahawaan ng sakit ang bawat isang residente.
Ayon kay Mayor inatasan na nito ang mga tauhan ng Taytay PNP na mahigpit na ipatutupad, imonitor at tiyaking nasusunod ang tamang COVID-19 Protocol sa lahat ng oras ng business hours.
Binalaan din ng alkalde ang mga may-ari ng tindahan at talipapa na ipasasara nito ang kanilang mga negosyo kapag lumabag ang mga ito na ipinatutupad social distancing.
Paliwanag ng alkalde kailangan na mahigpit siya dahil umaabot na sa siyam ang nasawi sa kanilang bayan, 41 ang kumpirmadong positibo sa coronavirus at 12 lamang ang narekober kaya mahigpit na ipinatutupad nito ang social sistancing at higpitan pa ang pagbabantay sa mga pasaway. ELMA MORALES
Comments are closed.