BATANG PIER NALUSUTAN ANG E-PAINTERS SA OT

NANATILING buhay ang pag-asa ng NorthPort Batang Pier para sa isang playoff berth makaraang malusutan ang Rain or Shine Elastopainters, 91-88, sa overtime sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Isang layup ni Sean Anthony, may 53 segundo ang nalalabi sa extra period, ang nagbigay sa Batang Pier ng 90-86 kalamangan.

Gayunman, dalawang free throws ni Beau Belga mula sa foul ni Greg Slaughter ang tumapyas sa kanilang deficit, bago isinalpak ni Kevin Ferrer ang isa sa dalawang free throws, may 13 segundo ang nalalabi, upang bigyan sila ng  three-point lead.

Nasupalpal ni Slaughter, pinalitan sa final minutes ng kanilang huling laro kontra Magnolia, si Gabe Norwood na nagselyo sa panalo ng NorthPort.

May 5-5 record, maaaring kunin ng Batang Pier ang isang puwesto sa quarterfinals kapag tinapos nila ang eliminations sa pamamagitan ng isa pang panalo laban sa Alaska sa susunod na linggo.

Nanguna si Slaughter na may 25 points, 11 rebounds at 6 blocks para sa Batang Pier. Isinantabi niya ang naging karanasan niya noong Biyernes nang ilabas siya ni coach Pido Jarencio sa dying seconds kung saan natalo ang NortPort sa Magnolia, 89-90, sa likod ng buzzer-beater ni Calvin Abueva.

Sinabi ni Slaughter na ang laro kontra Hotshots ay kinalimutan na nila. “We’re just a team that wants to win,” aniya.

“A lot of frustration last time or any time you lose a game. But that just makes us hungrier for the next one. We’re trusting each other, we’re trusting coach Pido, we just pull it together and move on to the next one,” dagdag ni Slaughter.

Ayon kay Jarencio, humingi na siya ng paumanhin hindi lamang kay Slaughter kundi sa buong koponan kasunod ng insidente.

“Actually, I’m so apologetic to Greg and the rest of the team. We patched up things. We’re here to work, we’re professionals. Ang goal namin, win (our) last two games playoffs for us,” ani Jarencio.

Tinapos ng Rain or Shine ang elims na may 6-5 kartada.

Sa ikalawang laro ay buhay pa rin ang kampanya ng Magnolia Hotshots para sa twice-to-beat playoff bonus makaraang pataubin ang San Miguel Beermen, 100-90.

Nagbida si Paul Lee para sa Hotshots na may 32 points, 5 assists, at 4 rebounds kung saan tinapos nila ang ka-nilang elimination round campaign na may 8-3 marka—  sa likod ng 7-2 ng No. 2 Meralco Bolts. CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro

NorthPort (91) – Slaughter 25, Bolick 24, Anthony 9, Malonzo 8, Elorde 7, Lanete 6, Grey 4, Ferrer 4, Onwubere 3, Rike 1, Taha 0, Subidoi 0, Balanza 0, Doliguez 0, Faundo 0.

Rain or Shine (88) – Ponferada 17, Belga 11, Santillan 9, Yap 9, Mocon 8, Borboran 8, Torres 8, Nambatac 6, Asistio 5, Norwood 3, Guinto 2, Caracut 2, Johnson 0, Tolentino 0.

QS: 27-16, 42-37, 65-60, 80-80, 91-88 (OT)

Ikalawang laro

Magnolia (100) – Lee 32, Sangalang 15, Ahanmisi 11, Barroca 9, Abueva 8, Dionisio 8, Pascual 7, Corpuz 4, Reavis 4, Jalalon 2, Dela Rosa 0, Brill 0, De Leon 0.

San Miguel (90) – Perez 20, Santos 18, Lassiter 13, Pessumal 13, Zamar 9, Fajardo 8, Tautuaa 5, Ross 4, Com-boy 0, Sena 0, Gotladera 0, Gamalinda 0.

QS: 25-14, 47-39, 66-65, 100-90.

5 thoughts on “BATANG PIER NALUSUTAN ANG E-PAINTERS SA OT”

  1. 33515 313705I believe one of your commercials caused my internet browser to resize, you could nicely want to put that on your blacklist. 369803

Comments are closed.