IBA RIN talaga si Willie Revillame, hindi siya humihinto sa pagtulong sa kanyang mga kababayan na apektado ng COVID-19. Sa pamamagitan ng sariling pera, nagpatayo siya ng bagong studio ng “Wowowin” sa kanyang sariling building, ang Wil Tower. Since bawal nga magkaroon ng live show dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ). Siya lamang ang nasa studio, kasama ang isang banda of four members at ang ini-invite niyang isang singer every day. Sumusunod din sila sa guidelines na wearing masks, social distancing at kumukuha sila ng media ID sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Matagal na hindi nakapag-live si Willie dahil naipit siya sa Puerto Galera nang magdala siya ng relief goods sa mga mangingisda roon matapos abutan ng ECQ. Matagal siyang nakipag-usap para makabalik siya ng Manila. Kaya inihanda muna niya ang bago niyang studio at patuloy siyang nagbibigay ng panalo sa mga manonood. Napapanood na siya nang live sa GMA 7, mula 5:00 PM, pagkatapos ng “Alyas Robin Hood” at bago ang 24 Oras, Lunes hanggang Friday. Mapapnood din ang “Wowowin” sa official YouTube channel, Facebook page at Twitter account. Every Saturday, napapanood naman ang replay ng past episodes ng “Wowowin Primetime” at 6:00PM.
BIANCA UMALI NAPANSIN ANG TALENTO BILANG SINGER SA KANYANG MUSIC VIDEO
PINAG-USAPAN ang paglabas ng first single ni Kapuso actress Bianca Umali, na may music video rin mula sa GMA Music. Titled “Kahit Kailan” inabangan ito ng mga fans ni Bianca, dahil matagal na nilang alam na maganda talaga ang boses ni Bianca, hindi lamang nabibigyan ng pansin dahil una siyang nakilalang dramatic actress.
Pero pinag-usapan din ang song dahil patungkol ito sa isang babaeng sawi sa pag-ibig at madamdamin ang lyrics ng song. May pinagdaraanan daw ba si Bianca nang gawin niya ang music video, pero pinuri ito ng netizens.
Sabi ni Owhen Ranger sa YouTube, “Buhayin ang OPM! Ang lamig ng boses ni Bianca. Bagay na bagay sa kanya yung kanta. Maraming nagsabing “This song deserves million views.” Marami ring nagsasabing magiging promising ang takbo ng music career ni Bianca. Kung hindi pa ninyo napapanood ang music video ni Bianca ng “Kahit Kailan,”makikita ninyo ito sa official channel ng GMA Music sa YouTube.
Samantala, excited na rin si Bianca na masimulan na niya ang taping ng bago nilang teleserye, sa GMA Network, her first adult project, ang “Legal Wives,” na gaganap siya bilang isa sa asawa ng bidang si Dennis Trillo. Ang dalawa pang magiging asawa ni Dennis ay sina Alice Dixson at Megan Young. May mga nalungkot namang fans nila ni Miguel Tanfelix kung tuluyan na raw bang mawawala na ang kanilang loveteam?
Comments are closed.