Standings:
W L
TNT Katropa 9 1
NorthPort 8 2
Blackwater 6 4
Barangay Ginebra 6 4
Rain or Shine 5 5
Magnolia 5 5
San Miguel Beer 4 5
Phoenix 4 6
Alaska 4 6
Meralco 3 6
Columbian 3 7
NLEX 2 8
Mga laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
4:30 p.m. – Phoenix vs NLEX
7 p.m. – Meralco vs NorthPort
DALAWANG beses nadiskaril, muling tatangkain ng Phoenix na umusad sa susunod na round sa pakikipagtipan sa sibak nang NLEX, habang bubuhayin ng Meralco ang kanilang kampanya kontra No. 2 team North Port sa pares ng laro sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Cuneta Astrodome.
Sasagupain ng Fuel Masters ang Road Warriors sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon at haharapin ng Bolts ang Batang Pier sa alas-7 ng gabi.
Naudlot ng dalawang beses ang pagmartsa ng Phoenix sa quarterfinals makaraang yumuko sa ‘giant killer’ Columbian at San Miguel.
“We have to win our last game in the elimination at all cost to enter the quarterfinals. Our campaign thwarted twice and we cannot afford to lose anew. We will go out for a win. I instructed my players to play their best and utilize all available resources to win,” sabi ni coach Louie Alas.
Kailangang maglaro nang husto ang mga gunner ng Fuel Masters at ipakita ni Richard Howell na mas magaling siya kay Olu Ashaolu kung saan nakasalalay sa kanya ang tagumpay ng koponan.
Katuwang ni Howell sina Matthew Wright, Jason Perkins, JC Intal, LA Revilla, RJ Jazul, Justin Chua at Alex Mallari laban sa mga bataan ni coach Yeng Guiao na sina Philip Paniamogan, Kenneth Ighalo, JR Quinahan, John Paul Erram, Raul Soyud at Jansen Rios.
Walang mawawala sa NLEX dahil sibak na sila sa 2-8 kartada at ang papel ng Road Warriors ay ang maging ‘spoiler’ na lamang para hindi makapasok ang Phoenix sa quarterfinals.
Hawak ng Phoenix ang 5-5 marka kasosyo ang Magnolia at Rain or Shine.
Samantala, nasa ‘must win’ situation ang Meralco na may 3-6 rekord. Kailangan ay fully charged at mataas ang boltahe ng Bolts upang malusutan ang NorthPort at ang San Miguel Beer sa kanilang huling laro sa eliminations sa Hulyo 17 sa Araneta Coli-seum upang manatili sa kontensiyon.
Apat na koponan – Talk ‘N Text (9-1), NorthPort (8-2), Blackwater (6-4) at defending champion Barangay Ginebra (6-4) – ang pasok na sa susunod na round. Ang apat na nalalabing puwesto ay pinag-aagawan ng Phoenix, Magnolia, Rain or Shine, Alaska, SMB at Meralco.
Bilang top two teams, nakuha ng Texters at Batang Pier ang twice- to-beat advantage sa quarterfinals. CLYDE MARIANO
Comments are closed.