INAASAHANG mababawasan ang fees na sinisingil ng mga pribadong eskuwelahan dahil sa mga nawalang aktibidad sa pagpapatupad ng online o distance learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) managing director Joseph Noel Estrada, ang ilang items na karaniwang bahagi ng ‘other fees‘ ay mawawala na.
“May mga ganyan po na pag-uusap ‘yung mga schools na halos pare-parehas sila ng manner of implementation. Siyempre, may mawawala na items doon sa tuition,” ani Estrada.
“‘Yung dati nilang sinisingil na, again, binabayad ng estudyante for participating physical and certain activity, kung wala ‘yung activity na ‘yun, definitely, hindi na isisingil ‘yun,” dagdag pa niya.
Gayunman, sinabi ni Estrada na 70 percent ng kita ng private schools ay napupunta sa suweldo ng mga guro at iba pang personnel kaya ang discount ay depende sa kakayahan ng eskuwelahan.
Dagdag pa niya, maging ang mga guro ay apektado ng pandemya. Ilang eskuwelahan ang posible aniyang magbawas ng mga empleyado dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng enrollees.
Comments are closed.