MANGILAN-ngilan na lang ngayon sa movie industry ang mga aktibo pa ring komedyante. At isa riyan ay si Bayani Agbayani. Say nga ni Bayani, laking pasasalamat niya at may mga shows pa rin siyang regular na ginagawa sa ABS-CBN at sa patuloy na tiwalang binibigay sa kanya.
Nang matanong naman siya kung sa palagay niya kung ano ang level ng kanyang kasikatan ngayon sa showbiz, ang say nito ay wala raw sa kanya ang status pagdating sa levelling. Ang mahalaga ay ang nakakapagpasiya siya ng publiko.
Dagdag pa nga niya, may time na gusto na rin niyang pahinga na muna at gawin ang mga bagay-bagay na nais niyang gawin noon pa man na nagsisimula siya sa showbiz, ang gumawa ng script para sa pelikula at mag-direk na rin. Willing din daw si Bayani na mag-aral para mas lalo pang madagdagan ang kanyang kaalaman at kahit maging assistant director ay papasukin niya.
Masayang ibinalita ni Bayani na mayroon siyang kantang ginawa para sa mga LGBT na pamasko at pinamagatan niyang Rudolf. Mapapakinggan na ito ngayon sa Spotify. Sabagay hindi na rin bago kay Bayani ang kumanta ng novelty song, remember Otso-Otso?
o0o
BAGO pa man magtapos ang taong 2019 ay naging sunod-sunod ang magagandang pangyayari sa showbiz career ni Carmina Villaroel. Bukod sa top-rating show ang “Sarap Di Ba” kasama ang mga anak na si Cassy at Mavy sa GMA-7, ay may movie ngayon si Carmina na pinagbibidahan, and take note, isa pa ito sa official entry ng 2019 Metro Manila Film Festival, ang “Sundo”.
Dedma na lang si Carmina kahit ilang choice pa siya bago mapunta sa kanya ang lead role nang naturang movie. Join diumano ang kanyang beauty sa darating na Parade of Stars at sasama rin ang kambal na anak para suportahan ang kanilang ina.
Nagkaroon na rin si Carmina ng storycon para sa latest teleseryeng gagawin niya sa GMA-7, after “Kara Mia”, kasama si John Estrada, kung saan ay silang dalawa ang lead actor. Wala pang pamagat ang naturang teleseryeng nakatakdang gawin ng dalawa pero isasabak ito sa afternoon serye ng Siyete and first time din para sa dalawa na malagay sa afternoon block ang kanilang soap.
Comments are closed.