KATUWANG ang grupo ng mga volunteer sa pangunguna ni Fr. Zenki Manabat, nagsagawa ng relief operations ang BDO Foundation sa bayan ng Itbayat sa Batanes na tinamaan ng lindol.
Binisita ng mga volunteer ang evacuation sites at namahagi ng 1,000 packs ng mga pagkain, bigas, inuming tubig para sa mga apektadong pamilya.
Sinuportahan ng Philippine Navy, local officials and police personnel, ang disaster response efforts ng foundation, at tumulong sa paghahatid ng relief goods mula sa provincial capital ng Batanes tungol sa isla ng Itbayat na matinding sinalanta ng lindol.
Ang BDO Foundation, corporate social responsibility arm ng BDO Unibank, ay nagkakaloob ng tulong sa mga komunidad sa buong bansa na naapektuhan ng natural o man-made disasters. Isinusulong din ng foundation ang long-term rehabilitation at reconstruction programs sa mga lalawigan na tinamaan ng kalamidad.
Matatandaang tumama ang Magnitude 5.4 at 5.9 earthquakes, sa Itbayat at nasa 180 aftershocks ang naitala na sumira sa mga bahay, simbahan, kalsada at eskuwelahan. Nasa ilalim ng state of calamity ang lugar.
Comments are closed.