BEA ALONZO AKTIBO RIN SA PAGTULONG SA MEDICAL HEALTH WORKERS

Bea Alonzo

ISA si Bea  Alonzo sa mga pinaka-aktibong celebrity ang abala sa pagtulong sa mga kababayan natin lalo na ang  medical health workers sa reflectioniba’t ibang ospital sa Metro Manila.

Ayon kay Bea, dapat daw ay may ilo-launch sila na product ng kaibigan niyang si Rina Navarro bago nangyari ang enhance community quarantine.

“Since everybody is put on hold, naisip namin na isalang ang energy namin  sa pagtulong sa community natin. So, napagdesisyunan namin na magtayo ng isang organization, yung I Am Hope na ang advocacy ay tulungan yung mga frontliner,” pahayag ni Bea sa “Magandang Buhay.” After reaching out to their friends at ilang brands,  may mga nag-respond agad.

And in less than two weeks,  12 institutions at 10 baranggay na ang natulungan nila.

“So, masayang-masaya kami. We really take pride doon sa advocacy  ng I Am Hope.”

Ibinahagi rin ni Bea sa “Magandang Buhay” ang realization niya sa nangyaring pandemic sa buong mundo.

“Na, everything is temporary. Na hindi importante talaga sa panahon ngayon ang pera, ‘yung materyal na bagay, ‘yung fame. Ang  nagma-matter talaga ngayon  is ‘yung how you care for humanity and how will you help each other out, ‘di ba? It’s very vital. At saka, ang para sa akin ngayon, there is no room for negativity. So, kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang. Hahaha!”

Kinumusta naman ni Momshie Melai Cantiveros ang lagay ng puso  ni Bea ngayon.  Baka raw kasi naka-lockdown pa rin ang puso niya.

“Yung mga tao na tinatawagan daw yung mga EX nila kasi lockdown. Hahaha!”

Pasalamat si Bea na hindi pa naman daw siya umabot sa ganoong point.

“Huwag naman. Hindi pa naman ako umabot doon. Busy pa naman ako ngayon. Okey pa naman ako ngayon,” sabay  tawa ulit ni Bea.

‘Ako na lang ulit’

 

FANS NINA BEA AT JOHN LLOYD KINILIG SA KULITAN NILA SA IG

SPEAKING of “ex,”  may isang lalaki sa  buhay  ni Bea Alonzo noon ang nagparamdam sa kanyang Instagram.John Loyd and Bea

Ito ay ang kanyang ex-screen partner na si John Lloyd Cruz.

Kinilig ang fans nina Bea at John Lloyd sa palitan nila ng comment sa social media.

Nag-umpisa ang “kulitan” nila sa comment section  ng  Instagram account ni Bea nu’ng i-like ni JLC  ang isang lumang piktyur ng aktres  na na-upload sa kanyang social media account.

Na-upload ang  old picture na yun ni Bea February of last year.

“Huyyy@beaalonzo,” comment ni JLC na may handle na @dumpsitegallery.

Reply naman ni Bea, “@dumpsitegallery 2019 pa ‘tong post ko ah, bakit ka nagba-browse sa IG ko?”

Napindot  lang daw ni JLC yun. Say naman ni Bea, “sabi mo, eh.”

Pagkatapos, nagpasaring si Bea kay JLC ng ganito, “may nami-miss? 😄”

Ngunit isang emoji na naka-zip lang ang tugon ni JLC.

Pero  nagpatuloy pa rin si Bea sa pangungulit kay JLC.

“Halata eh,” reply pa ni Bea.

Nadagdagan pa ang usapan ng magkalabtim at natapos sa comment ni JLC na idi-DM na lang niya si Bea.

For sure, nabitin ang fans nina Bea at JLC sa “harutan” nila sa social media.

Ewan lang din kung nag-dialogue si Bea kay JLC, “ako na lang ulit” gaya ng linya niya sa movie nila na “A Second Chance.”

Comments are closed.