BEACH FRONT NG BORACAY PANSAMANTALANG BINUKSAN

BORACAY – DINAGSA ng mga residente ng Boracay ang beach front area nito mula sa station 1 hanggang station 3 bilang pagdiriwang ng kapistahan ng San Juan.

Ito ay matapos na pahintulutan ng Task Force Boracay ang paliligo sa mga dating restricted area dahil sa on-going na rehabilitation sa isla.

Gayunpaman, kahapon lamang pinayagan ang mga residente na maaaring  makaligo sa  dagat  na mula alas-6:00, ng umaga hanggang alas-6: ng gabi.

Subalit, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng pagkain at pag inom sa dalampasigan.

May mga naka-deploy na ring mga lifeguard sa naturang mga lugar na siyang nagbaban­tay sa mga naliligo.

Comments are closed.