BEERMEN NILUSAW ANG E-PAINTERS

beermen

Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – NorthPort vs Blackwater
5:45 p.m. – NLEX vs Magnolia

IPINAMALAS ni Diamond Stone ang kanyang galing sa opensiba at pinangunahan ang San Miguel sa 113-105 panalo laban sa Rain or Shine sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Tumapos si Stone na may 42 points at 13 rebounds upang makabawi mula sa kanyang 20-point, eight-rebound debut sa 106-109 pagkatalo sa Blackwater noong nakaraang Miyerkoles.

“I thought I’ve adjusted well. Coach (Leo Austria) did a great job this week after the first game of getting me adjusted, getting me the plays,” sabi ni Stone, na bumuslo ng 17-of 29 mula sa field.

“Coach told me before the game, in practice,’ Don’t be shy, be aggressive’ and so that’s what I did today,” dagdag ng dating NBA campaigner. “You know, try to be aggressive and try to go for the win.

“In (his) first game, it was really hard for him because he’s had no practice with the team, he doesn’t know his team, he doesn’t know our system and worse he doesn’t know the kind of basketball we have here,” sabi ni Austria.

“But I’m happy today with his game. It seems he realized na he needs to perform.”

Nagkasya sa pagiging facilitator sa first half, nag-init si June Mar Fajardo sa second half at tumapos na may 21 points na sinamahan ng 8 rebounds at 4 assists habang nagdagdag si CJ Perez ng 13 points, siyam ay mula sa final canto.

Umiskor si Steve Taylor ng 20 points at kumalawit din ng game-highs na 18 boards at 9 assists upang pangunahan ang Rain or Shine. Subalit nagtala lamang siya ng 1-of-8 mula sa field sa second half at naputol ang two-game winning streak ng E-Painters upang mahulog sa 2-2 kartada.

Kumubra si Rey Nambatac ng 19 points, umiskor si Santi Santillan ng 15 at nagtala si Gian Mamuyac ng 13. Subalit ang kanilang mga pagsisikap ay nawalan ng saysay, gayundin kina Anton Asistio, Andrei Caracut at Jewel Ponferrada nang kumana ang SMB ng 11-0 run na nagbigay sa Philippine Cup champions ng 105-95 kalamangan.

CLYDE MARIANO

Iskor:
San Miguel (113) – Stone 42, Fajardo 21, Perez 13, Herndon 8, Cruz 7, Manuel 7, Enciso 6, Lassiter 6, Ross 3, Tautuaa 0.
Rain or Shine (105) – Taylor Jr. 20, Nambatac 19, Santillan 15, Mamuyac 13, Caracut 11, Asistio 11, Ponferrada 10, Belga 3, Demusis 3, Norwood 0, Borboran 0.
QS: 29-24, 61-59, 85-85, 113-105.