PINAALALAHANAN ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang mga medical institutions na dapat bigyan ng karampa-tang proteksiyon at benepisyo ang mga medical intern na katuwang ngayon sa paglaban sa COVID-19.
Ayon kay Vargas na siyang may akda ng Intern’s Rights and Welfare Act of 2019, kahit na maituturing na trainee pa lamang ay mahalaga na mabigyan din ng proteksiyon ang mga medical intern sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kompensasyon at pagtiyak sa kanilang kaligtasan at kapakanan sa buong period ng kanilang internship.
Itinutulak ng mambabatas na mabigyan ang mga medical intern ng nararapat na working hours, gayundin ang pagbibigay ng allowances para sa pagkain at iba pang gastusin.
Inoobliga rin niya ang mga medical institution na akuin ang responsibilidad sa mga trainee tulad ng pagbibigay ng medical, dental, at mental health benefits at pagkakaroon ng access sa basic services sa lugar na pinagtatrabahuan.
Sa panahon ng krisis, hiniling din ng kongresista na mabigyan ng insurance coverage ang mga intern.
Nabatid na sa Philippine General Hospital (PGH), higit 100 medical interns ang boluntaryong tumutulong ngayon sa mga med-ical staff at sa mga pasyente ng ospital.
Tiniyak naman ng PGH na maibibigay sa mga intern ang mga kinakailangang benepisyo habang katu-wang ang mga ito sa mga kasong may kinalaman sa COVID-19. CONDE BATAC
Comments are closed.