Standings W L
*Letran 13 4
*Benilde 13 4
*San Beda 12 5
*LPU 12 6
SSC-R 8 9
Arellano 7 10
Perpetual 7 11
Mapua 6 11
JRU 6 11
EAC 2 15
*Final Four
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – EAC vs Arellano
3 p.m. – Benilde vs San Beda
NAGHAHANDA para sa pinakaaabangan nilang duelo sa San Beda, pinataob ng College of Saint Benilde ang Arellano University, 83-73, upang lumapit sa pagkopo ng twice-to-beat incentive sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nagbuhos si Robi Nayve ng 17 points, nakalikom si Miggy Corteza ng 15 points at 5 rebounds habang nagtala si Mark Sangco ng double-double outing na 11 points at 13 rebounds para sa Blazers.
Umakyat ang Benilde sa ibabaw ng standings katabla ang defending champion Letran na may 13-4record, na tumapos sa tsansa ng walang larong Lyceum of the Philippines University na makopo ang isang semifinals incentive.
Tinapos ng Pirates ang eliminations na may 12-6 record at maaaring bumagsak bilang fourth-ranked team sa Final Four.
Umaasa ang Blazers na makuha ang twice-to-beat bonus kontra Red Lions bukas ng alas-3 ng hapon.
Ang pagkatalo ng Benilde sa San Beda na sasamahan ng panalo ng Knights kontra also-ran Jose Rizal University sa Miyerkoles ay magpupuwersa sa playoff sa pagitan ng Blazers at ng Red Lions para sa nalalabing twice-to-beat slot. Tinalo ng Benilde ang San Beda, 78-69, sa first round.
Sa duelo ng mga sibak nang koponan, naungusan ng San Sebastian ang Emilio Aguinaldo College, 72-69, para sa kanilang ika-8 panalo sa 17 laro.
Kuminang si Ichie Altamirano para sa Stags na may 18 points.
Nahulog ang Chiefs sa 7-10, habang nalasap ng Generals ang ika-15 kabiguan sa 17 laro.
Iskor:
SSC-R (62) — Altamirano 18, Calahat 12, Aguilar 11, Sumoda 6, Cosari 4, Villapando 3, Una 3, Escobido 2, Are 0, Concha 0.
EAC (59) — Cosejo 15, Dominguez 12, Tolentino 7, Maguliano 6, Cosa 6, Quinal 5, Balowa 4, Luciano 2, Angeles 2, Bajon 0, Umpad 0, An. Doria 0.
QS: 20-15, 39-32, 53-44, 62-59
Ikalawang laro:
Benilde (83) — Nayve 17, Corteza 15, Sangco 11, Pasturan 10, Gozum 9, Oczon 6, Cullar 5, Lepalam 4, Carlos 3, Lim 3, Marcos 0, Mara 0, Davis 0.
Arellano (73) — Flores 17, Doromal 14, Mantua 11, Tolentino 10, Talampas 10, Mallari 8, Ongotan 3, Oliva 0, Abastillas 0, Oftana 0, Sunga 0.
QS: 24-24, 45-46, 64-59, 83-73.